DOTr, naghandog ng ‘12 Days of Christmas’, libreng sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula Disyembre 14-25
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-12-11 00:26:24
MANILA, Philippines — Ngayong Kapaskuhan, handog ng Department of Transportation (DOTr) ang 12 Days of Christmas, isang espesyal na programa na nagbibigay ng libreng sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 mula Disyembre 14 hanggang Disyembre 25. Layunin ng inisyatiba na mabigyan ng ligtas, maginhawa, at masayang biyahe ang mga komyuter, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa DOTr, bawat araw ay nakalaan para sa partikular na sektor ng komunidad:
Dec 14 – Senior Citizens
Dec 15 – Students
Dec 16 – Overseas Filipino Workers (OFWs) at pamilya
Dec 17 – Teachers at Health Workers
Dec 18 – Persons with Disabilities (PWDs) at mga lalaking pasahero
Dec 19 – Government Employees
Dec 20 – Babaeng Pasahero
Dec 21 – Pamilya (kahit ilan ang miyembro)
Dec 22 – Solo Parents at LGBTQIA+ members
Dec 23 – Private Sector Employees at Mga Kasambahay
Dec 24 – Uniformed Personnel, Veterans, at pamilya
Dec 25 – Lahat ng Komyuter
Pinayuhan ng DOTr ang publiko na ipagdiwang ang Pasko nang sama-sama sa ligtas at komportableng pagbiyahe. “Merry ang Christmas sa bawat sakay,” ani ng ahensya, habang hinihikayat ang lahat na samantalahin ang libreng sakay bilang bahagi ng masayang Kapaskuhan.
Ito ay itinuturing na malaking tulong lalo na sa mga komyuter na araw-araw dumaraan sa mga pangunahing tren sa Metro Manila, at simbolo rin ng malasakit ng pamahalaan sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino ngayong panahon ng Kapaskuhan. (Larawan: DOTr - Ph / Facebook)
