Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Kauna-unahang 4-storey at air-conditioned 12-classroom building sa San Pedro CIty, pinasinayaan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-12-13 00:04:55 Tingnan: Kauna-unahang 4-storey at air-conditioned 12-classroom building sa San Pedro CIty, pinasinayaan

SAN PEDRO CITY, Laguna Isang makasaysayang araw para sa edukasyon sa Lungsod ng San Pedro ang naganap matapos pasinayaan ang kauna-unahang 4-storey, fully air-conditioned 12-classroom building na matatagpuan sa Pacita Complex 2 Elementary School. Pinangunahan ang seremonya nina DepEd Secretary Sonny Angara at LaguNanay Congresswoman Ann Matibag, kasama ang mga opisyal ng lungsod at mga kawani ng paaralan.

Ipinagmalaki ng mga opisyal na natapos ang proyekto sa loob lamang ng pitong buwan, na nagsisilbing patunay ng mabilis, tapat, at makataong serbisyo para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Ang bagong gusali ay magbibigay ng mas ligtas, komportable, at modernong silid-aralan na tutugon sa lumalaking populasyon ng estudyante sa lugar.

Hindi rin pinalampas nina Secretary Angara at Cong. Matibag ang pagkakataon na makipag-dialogue sa mga guro at magulang, upang personal na mapakinggan ang kanilang mga pangangailangan, concerns, at suhestyon para sa higit pang pagpapabuti ng edukasyon sa lungsod. Sa pagbubukas ng bagong pasilidad, umaasa ang pamahalaan at komunidad na higit pang tataas ang kalidad ng pagkatuto at mas lalo pang magiging inspiradong mag-aral ang kabataang San Pedreño. (Larawan: Cong. Anne Matibag / Facebook)