‘Akala ko hindi na pwede, pwede pa pala’ — 38 years old, nagsilbing inspirasyon matapos grumaduate bilang Magna Cum Laude
罗贝尔·阿尔莫格拉 Ipinost noong 2025-09-21 23:27:45
MANILA — Nang nagsimula akong muling mag-aral sa edad na 34, inakala ko huli na ang lahat para sa kolehiyo. May pamilya, anak, negosyo, at napakaraming responsibilidad—tila imposibleng isingit pa ang pag-aaral. Pero ngayon, sa edad na 38, natutunan kong hindi kailanman hadlang ang edad o sitwasyon kung may tiwala sa Diyos at suporta ng mga mahal sa buhay.
Ang aking asawa, si Iza Estinopo, ang naging matibay kong inspirasyon. Totoo nga na isa sa pinakamahalagang desisyon sa buhay ay ang pagpili ng makakasama mo, dahil sila rin ang tutulong maglabas ng “best” sa iyo.
Hindi naging madali ang apat na taon na ito. May mga pagkakataong gusto ko nang sumuko. Ngunit sa tuwing manghihina ako, pinapaalala ng Diyos na walang nangyayari sa buhay ng tao na hindi Niya pinahihintulutan. Ang aking gabay: “Delight yourself in the Lord, and He will give you the desires of your heart.” (Psalms 37:4).
Ngayon, natapos ko ang aking paglalakbay bilang Magna Cum Laude, BSBA Major in Marketing Management, PUP Open University System Batch 2025.
Lubos ang aking pasasalamat sa aking pamilya, mga kapatid, JRAAC, Inc. Family, at sa Estinopo Companies — at higit sa lahat, sa Diyos na Siyang tunay na nagbigay ng lakas at karunungan. (Larawan: Bon Estinopo / Fb)