Julia Barretto nali-link sa negosyanteng si Lucas Lorenzo
杰拉尔德·埃里卡·塞维里诺 Ipinost noong 2025-09-17 19:20:59
Setyembre 17,b2025 – Lumabas ang pangalan ng isang prominenteng negosyante bilang bagong nali-link sa aktres na si Julia Barretto. Ayon sa mga reliable source, si Lucas Lorenzo ang diumano’y bagong karelasyon ng aktres.
Si Lucas ay CEO ng Restaurant Concepts Group Inc. (RCGI), na nagmamay-ari ng mga fine dining restaurants tulad ng Barcino, Bluesmith, Meat Depot, at Single Origin. Bukod sa pagiging negosyante, siya rin ay isang equestrian.
Si Lucas ay kapatid nina Matteo at Basti Lorenzo, ang mga mister nina Erich Gonzales at Claudia Barretto, na siyang kapatid ni Julia. Sa ganitong paraan, nag-uugnay ang pamilya sa entertainment at business sectors.
Sa isang panayam sa Tatler Asia, ibinahagi ni Lucas ang kanyang pananaw sa pamumuno sa RCGI, kabilang ang pagharap sa mabilis na pagbabago sa food and beverage industry. Aniya, malaking inspirasyon sa kanya ang makita ang kasiyahan ng mga customer at empleyado. “Seeing the joy on a customer’s face as they savour a delicious meal or hearing appreciation from a team member who feels valued is incredibly fulfilling,” ayon kay Lucas.
Sa kabila ng kasikatan at pagiging miyembro ng “old rich family,” nananatiling pribado si Julia tungkol sa bagong relasyon. Gayunpaman, lumalabas sa mga ulat na kung makakatuluyan niya si Lucas, maaari itong maging dahilan upang mag-focus siya sa personal na buhay at iwan ang showbiz sa hinaharap.
Ang bagong link kay Lucas Lorenzo ay muling nagbabalik sa pansin ng publiko sa love life ni Julia, na kilala sa pagiging low-profile sa kanyang personal na relasyon.