Birthday Glow ni Xyriel Manabat Kabog, From Child Star to Fashion Icon
Via Amor L. Rebosura Ipinost noong 2025-01-29 16:05:55
Masaya at puno ng pasabog ang ika-21 kaarawan ni Xyriel Manabat! Ang dating child star na ngayon ay ganap nang dalaga, ay nagdiwang ng kanyang espesyal na araw nang may lakas ng loob at pagiging empowered, kaya naman mas pinahanga pa siya ng kanyang mga fans at mga kasamahan sa industriya.
Sa kanyang birthday post, ipinakita ni Xyriel ang kanyang transformation mula sa pagiging cute na child star hanggang sa pagiging isang stunning at confident na dalaga. Suot ang isang puting dress na swabe at fit na fit sa kanyang katawan, talagang naging highlight ng kanyang araw ang kanyang glamorous aura. Sinuportahan pa ito ng knee-high boots na nagbigay ng edge at elegance, perfect na combo para sa isang modern-day fashionista. Puno ng confidence si Xyriel na kitang-kita sa bawat anggulo ng kanyang mga photos—walang duda na ito na ang Xyriel Manabat na matagal nang inabangan ng marami.
Ang pinaka-sweet pa, ang Queen of Style at versatile actress na si Anne Curtis, ay hindi pinalampas ang pagkakataon na magbigay ng komento kay Xyriel. “GANDA GANDA! HAPPY BIRTHDAY BB GIRL,” aniya sa kanyang post. Isa itong malaking compliment mula sa isang idol na tulad ni Anne, kaya naman siguradong sobrang saya ng heart ng ating birthday girl.
Ang 21st birthday ni Xyriel ay mahalaga hindi lamang dahil sa tradisyon, ngunit dahil ito ay isang mahalagang punto sa kanyang buhay kung saan ipinakita niya ang kanyang mas matured at may kapangyarihan na sarili. Para sa mga fans at netizens, tila si Xyriel ay isang mahusay na halimbawa ng pag-mature ng isang babae. Mula sa pagiging isang child star na puno ng innocence, ngayon ay nagiging inspirasyon siya sa mga kabataang babae. Isa na syang ganapp na isang magandang ihemplo sa pagiging proud sa sarili, tanggap ang mga imperpeksyon, at maging confident sa kahit anong aspeto sa buhay.
“Ang lakas ng dating!” “Para siyang fashion icon!” Ito ang mga pahayag ng netizens na talagang inabangan ang transformation ni Xyriel, na siyang patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan ngayon. Hindi lang siya basta isang artista, kundi isang simbolo ng modernong Filipina na hindi natatakot ipakita ang tunay niyang sarili at lumabas sa mga limitasyon ng society.
At syempre, hindi mawawala ang mga wishes at pagmamahal mula sa mga fans at kasama sa industriya, na nagpapakita ng suporta sa kanyang career at personal na buhay. Si Xyriel, hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin sa social media, ay nagiging isang positibong impluwensya sa mga kabataan.
Larawan mula sa Daily Tribune