Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ramon Tulfo nag-akusa na 'front for prostitution' umano ang Vivamax

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-12-11 11:41:33 Ramon Tulfo nag-akusa na 'front for prostitution' umano ang Vivamax

MANILA - Nagpasiklab ng kontrobersya si columnist at broadcaster Ramon Tulfo matapos maglabas ng mabibigat na paratang laban sa Vivamax, kabilang ang pagdawit sa ilang politiko, negosyante, at isang umuusbong na aktres na si Chelsea. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Tulfo na mawawalan na ng mga kliyenteng pulitiko at malalaking negosyante ang Vivamax dahil umano sa “kadaldalan” ng isa sa mga artista nito.

Ayon kay Tulfo, nagsagawa siya ng sariling pagsisiyasat matapos mag-viral ang akusasyon ni Chelsea na inalok siya ng isang senador ng 250,000 pesos kapalit ng pakikipagtalik. Ani Tulfo, “How could there have been an indecent proposal when bayad na siya?” at iginiit na pinalalaki lamang ni Chelsea ang kanyang kwento.

Mas mabigat ang sumunod na pahayag ni Tulfo. Sinabi niya na ang Vivamax, na pag-aari ng negosyanteng si Vic del Rosario, ay “engaged in high-class prostitution.” Dagdag niya, “Politicians and big businessmen get escort girls from Vivamax” at madalas umanong isinasama ang mga babae sa negosasyon ng ilang business deals. Tinawag pa niya ang film outfit bilang “front for a prostitution ring.”

Kuwento pa ni Tulfo, ilang buwan daw ang nakalipas ay “gifted with a Vivamax actress” siya habang nasa isang dinner at drinking session sa isang five-star hotel. Sinabi niya na ang babae ay may rate na 50,000 pesos at kalahati raw nito ay napupunta sa “pimp.” Kaya naman giit niya, “Por dios, por santo, 50k for that woman to sell her body and soul?”

Tinuligsa rin niya ang sinasabing mataas na presyo na binabanggit ni Chelsea para umano sa kanyang serbisyo. Ayon kay Tulfo, base raw sa nalaman niya mula sa ibang aktres, “Chelsea’s rate could range from only 10k to 30k because the woman I was supposed to bed with was only 50k.” Sinabi pa niya na ang babaeng dinala sa kanya ay “way more beautiful than Chelsea.”

Sa huli, nagbabala si Tulfo kay del Rosario tungkol sa umano’y pagkalat ng impormasyon. Aniya, “Teach your girls to practice omerta, nabisto tuloy ang prostitution ring mo.”

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Vivamax, si Vic del Rosario, o ang kampo ng sinasabing aktres na si Chelsea hinggil sa mabibigat na paratang. Kung maglabas man sila ng tugon, inaasahang lalawak pa ang imbestigasyon at posibleng mauwi sa legal na usapin.