PH话语
将网站翻译成您的语言:

Jodi Sta. Maria, umalma sa umano’y pagkatay ng 100 baka sa gaganaping prayer rally sa Davao

罗贝尔·阿尔莫格拉Ipinost noong 2025-09-21 00:12:50 Jodi Sta. Maria, umalma sa umano’y pagkatay ng 100 baka sa gaganaping prayer rally sa Davao

SETYEMBRE 21 Mariing kinondena ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang umano’y planong pagkatay ng mahigit 100 baka bilang bahagi ng isang prayer rally sa Davao na inihahandog umano para ipanalangin ang bansa at ang dating pangulo.

Sa isang pahayag, tinuligsa ni Jodi ang paggamit sa mga hayop para sa aniya’y pampulitikang palabas.

“Animals, including these cows, have no political stance — they simply want to live. Cows are gentle animals who love their babies and cry out in fear when their lives are taken. Turning their suffering into a public spectacle is cruelty, plain and simple. Taking their lives for a political stunt is shameful,” ani Jodi.

Dagdag pa ng aktres, hindi kailanman makatarungan na gawing sakripisyo ang inosenteng hayop para sa anumang political agenda, lalo na’t may mga makatao at mapayapang paraan upang ipahayag ang panalangin at paninindigan.

Samantala, umani rin ng batikos mula sa iba’t ibang animal rights advocates at netizens ang naturang plano, na nananawagan ng mas makatao at makakalikasang pamamaraan sa pagdaraos ng mga pampublikong pagtitipon. (Larawan: Jodi Sta. Maria / Fb)