PH话语
将网站翻译成您的语言:

Mas malala pa sa tatay? Chavit Singson, nagpahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon

罗贝尔·阿尔莫格拉Ipinost noong 2025-10-04 01:00:29 Mas malala pa sa tatay? Chavit Singson, nagpahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon

MANILA — Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson hinggil sa patuloy na lumalalang kontrobersiya na kinasasangkutan ng kasalukuyang administrasyon.

Sa isang panayam, inamin ni Singson na inakala niyang sisikapin ng pangulo na linisin at ayusin ang reputasyon ng kanilang pamilya, lalo’t nakaraan na ring nalugmok sa mga usaping kontrobersyal ang kanyang ama.

Subalit, aniya, taliwas sa kanyang inaasahan, mas lalo lamang umanong nadagdagan at lumala ang mga isyu, at tila nalampasan pa nito ang mga kinaharap noon ng dating lider.

“Akala ko lilinisin na pangalan nila. Hindi, nilagpasan pa niya tatay niya,” ani Singson, na hindi itinago ang kanyang pagkadismaya.

Hindi naman idinetalye ni Singson kung aling mga partikular na usapin ang kanyang tinutukoy, ngunit malinaw ang kanyang mensahe na malaking dagok sa imahe ng pamahalaan ang mga nangyayaring kontrobersiya.

Para kay Singson, mahalagang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan, at ang unang hakbang dito ay ang pagtutok sa paglilinis ng pangalan ng mga pinuno sa halip na mas lalo itong madungisan. (Larawan: Chavit Singson / Facebook)