Showbiz comeback: Bianca King at Gwen Zamora, nanguna sa bagong batch ng Sparkle GMA artists
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-11 23:34:36
Disyembre 11, 2025 – Nagkakainitan na naman ang Sparkle GMA Artist Center dahil bonggang-bongga ang kanilang latest lineup ng fresh at returning talents na pumirma para sa bagong yugto ng kanilang showbiz journey!
Leading the pack ang dalawang paborito ng Kapuso viewers na matagal ding na-miss: Bianca King at Gwen Zamora! Parehong kilala sa kanilang acting range at beauty na hindi kumukupas, ready na raw muli ang dalawa na magpasiklab sa primetime at afternoon shows. Fans, handa na ba sa pagbabalik-telebabad nila?
Kasama rin sa pinakabagong roster ang dance diva at TV host Regine Tolentino, na siguradong magdadala ng flair, energy, at fashion sa anumang proyekto.
Hindi rin nagpahuli ang rising actors na sina Jess Martinez at Miggs Cuaderno, na parehong patuloy ang pag-angat sa industriya dahil sa kanilang husay sa pag-arte. Mark these names — sila ang next batch of Kapuso heartthrobs and scene-stealers!
From the pageant world, sparkling with confidence and charm, sumali rin ang Ms. Chinatown Philippines 2025 Yza Uy at Mr. Chinatown Philippines 2025 Tyrone Tan, na parehong handa nang sumabak sa acting, hosting, at endorsements.
With this powerhouse mix of comeback stars, multi-talented performers, young actors, and beauty titlists, mukhang todo-todo ang preparations ng Sparkle para sa mas malakas, mas fresh, at mas exciting na 2026!
Showbiz fam, sino ang pinaka-excited kayong mapanood ulit — Bianca, Gwen, o isa sa mga bagong muka?
Larawan: Sparkle Gma
