Diskurso PH
Translate the website into your language:

Sachzna Laparan, ninakawan umano ng milyon ng sariling kadugo: “Binigyan ko na ng lahat!”

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-15 21:02:27 Sachzna Laparan, ninakawan umano ng milyon ng sariling kadugo: “Binigyan ko na ng lahat!”

Oktubre 15 – Mukhang may pinagdadaanan na naman ang social media personality at vlogger na si Sachzna Laparan matapos niyang ibulalas sa Facebook ang matinding hinanakit laban sa isang taong umano’y nagnakaw sa kanya ng milyon-milyong halaga—at mas masakit pa, kamag-anak daw mismo niya ang sangkot.


Sa post ni Sachzna, emosyonal niyang sinabi:

“Binigyan na ng magandang buhay, sasakyan, luho, mga travel… nagawa pa ko nakawan ng ilang MILYON. BETRAYED. AGAIN.”


Hindi pa rito natapos ang kanyang paglabas ng saloobin. Sa comment section ng sarili niyang post, dinugtungan pa niya ito ng mas mabigat na pahayag:

 “Worst part? Kadugo ko pa, nasa bahay ko pa.” ????

“NAPAKA-MANIPULATIVE PA! PINAG-AWAY KAMI NG PAMILYA KO. NGAYON KO LANG NALAMAN LAHAT.”


Agad nag-viral ang post, umabot sa libu-libong reactions at daan-daang shares, habang bumuhos naman ang suporta mula sa mga netizens at kapwa influencer.


Isa sa mga nag-react ay ang content creator na si Ryannah Julia Policarpio, na nagsabing:

 “Never niyong ma-jujustify ang pagnanakaw, maliit man o malaking halaga. Mabait ka pa ate kasi hindi mo pinakulong, pinagbayad, at ni-name drop.”

Maging ang sikat na social media personality na si SenYora ay nakisali rin sa komento at pabirong nagtanong ng, “Sino?” — na agad namang umani ng libo-libong laugh reactions mula sa mga curious netizens.


Sa ngayon, hindi pa rin ibinubunyag ni Sachzna kung sino ang tinutukoy niya, ngunit malinaw na may mabigat na betrayal na kanyang pinagdaanan—at tila hindi ito ang unang beses na nangyari.