PH话语
将网站翻译成您的语言:

‘Lovers in Paris’ actor Lee Dong-Gun, na-diagnose na may isang rare disease

罗贝尔·阿尔莫格拉Ipinost noong 2025-10-01 23:21:49 ‘Lovers in Paris’ actor Lee Dong-Gun, na-diagnose na may isang rare disease

SOUTH KOREA Ibinahagi ng South Korean actor na si Lee Dong-gun, 45, ang kanyang pinagdaraanan sa kalusugan sa pinakabagong episode ng SBS variety show na My Little Old Boy. Ayon sa aktor, mahigit isang taon na siyang nakakaranas ng paulit-ulit na pamamaga sa mata, dahilan upang siya ay magpatingin sa doktor.

Sa resulta ng X-ray at iba pang pagsusuri, napag-alaman na si Lee ay posibleng mayroong ankylosing spondylitis, isang bihirang uri ng inflammatory disease. Ang naturang kondisyon ay nagdudulot ng paninigas ng gulugod, at sa malulubhang kaso, maaari pang magdikit-dikit ang mga buto. Pinatibay pa ang pagsusuri nang matuklasan ang matinding pamamaga sa sacroiliac joint ng aktor.

Hindi napigilan ni Lee ang maging emosyonal sa pagtanggap ng balita, at inamin niyang matagal na siyang nahihirapan dahil sa paulit-ulit na pananakit at pamamaga na nakakaapekto na sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Bagama’t wala pang lunas ang sakit na ito, sinasabi ng mga eksperto na maagang diagnosis at tamang gamutan ang susi upang mapabagal ang paglala at maibsan ang sintomas.

Si Lee Dong-gun ay isa sa mga kinikilalang beteranong aktor ng Hallyu wave. Sumikat siya sa mga hit K-drama tulad ng Sweet 18 (2004), Lovers in Paris (2004), Stained Glass (2004), The Gentlemen of Wolgyesu Tailor Shop (2016), at Angel’s Last Mission: Love (2019).

Matatandaang ikinasal siya kay Jo Yoon-hee noong 2017 at nagkaroon sila ng isang anak bago naghiwalay noong 2020. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nananatiling aktibo si Lee sa telebisyon at pelikula, at patuloy na hinahangaan dahil sa kanyang husay at kontribusyon sa Korean entertainment industry. (Larawan: Screengrab from sNACK! / Youtube)