Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘If I wasn’t their mama, matagal na po akong sumuko’ — Kris Aquino, naglabas ng madamdaming pahayag

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-08-23 00:41:58 ‘If I wasn’t their mama, matagal na po akong sumuko’ — Kris Aquino, naglabas ng madamdaming pahayag

MANILA Muling umantig sa damdamin ng publiko ang tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino matapos magbahagi ng isang taos-pusong mensahe sa Instagram noong Biyernes, Agosto 22. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang ilang bahagi ng kanyang panibagong confinement sa ospital at ang hirap na dinaraanan niya dahil sa patuloy na gamutan.

Ayon kay Kris, siya mismo ang nag-request sa kanyang mga doktor na gawin na ang mga surgical procedure bago sumapit ang Agosto 21. “We started on August 20, 8:15 PM, that was the time check I heard before ‘Daddy Doc,’ my anesthesiologist, and my cousin-in-law, Dr. Nick, started their work,” pagbabalik-tanaw ni Kris.

Sa kanyang pagninilay, hindi niya maiwasang maalala ang kanyang yumaong ina, si dating Pangulong Cory Aquino, na matapang ding hinarap ang sariling laban sa kalusugan. Aniya, “Happy tears are flowing because I’m remembering how much our mom endured for us… yet we never heard her complain.”

Ngunit higit sa lahat, inilahad ni Kris na ang kanyang pinakamalaking lakas ay ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. “My sons are the reason I continue to endure, if I wasn’t their mama, matagal na po akong sumuko,” ani Kris.

Aminado si Kris na nasa simula pa lamang siya ng mas agresibong gamutan upang manatiling buhay at makarating sa remission. Binanggit din niya na may anim na buwan pa ang kanyang mga doktor upang matukoy ang susunod na hakbang sa kanyang treatment plan.

Sa kabila ng lahat, nagtapos ang mensahe ni Kris na may pasasalamat at bagong pag-asa. Ipinakilala rin niya ang bago niyang hashtag na magsisilbing paalala sa kanya at sa kanyang mga taga-suporta: #LabanKris.

Agad namang bumuhos ang pagmamahal, panalangin, at mensahe ng suporta mula sa kanyang fans at followers, na patuloy na humahanga sa kanyang tapang at determinasyon sa laban ng kanyang buhay. (Larawan: Kris Aquino / Fb)