PH话语
将网站翻译成您的语言:

Binatilyo, arestado matapos tahasang pag-aapakan ang memorial ni Charlie Kirk

罗贝尔·阿尔莫格拉Ipinost noong 2025-09-16 01:39:16 Binatilyo, arestado matapos tahasang pag-aapakan ang memorial ni Charlie Kirk

PHOENIX, ARIZONA — Umani ng matinding batikos ang isang insidente sa labas ng Turning Point USA headquarters matapos yurakin ng isang 19-anyos na lalaki ang memorial para kay Charlie Kirk.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Ryder Corral, na nahuli sa CCTV at sa mismong mata ng publiko habang tahasang tinatapakan at winawasak ang itinayong memorial. Agad na inaresto si Corral at kinasuhan kaugnay ng kanyang ginawa.

Batay sa ulat, hindi nakapigil ang isa sa mga nagluluksa at mabilis na kumilos—hinablot ang suspek at ibinagsak ito sa lupa bago pa man makalayo. Makikita sa larawan ng pulisya ang mugshot ni Corral, na ngayon ay kumakalat sa social media at nagdudulot ng galit at pagkondena mula sa maraming tagasuporta ni Kirk.

Ayon sa mga testigo, ang memorial ay itinayo bilang pagpupugay kay Kirk, na matagal nang kinikilala bilang isang kilalang konserbatibong personalidad at lider ng nasabing organisasyon. Para sa mga nagdadalamhati, ang ginawa ni Corral ay hindi lamang kawalan ng respeto, kundi isang “sickening act” laban sa isang taong pinararangalan ng marami.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso, habang mariin namang nananawagan ang mga tagasuporta ni Kirk ng hustisya at mas mabigat na parusa laban sa suspek. (Larawan: Fox News / Google)